Tungkol kay Erica
Erica Mosca (Siya/Kanya), kilala ng nakararami sa komunidad bilang “Ms. Mosca”, ay isang proud first-generation college graduate, anak ng isang Pilipinong imigrante, at social justice advocate. Bahagi ng college access non-profit na 10,000 Degrees sa high school at nagsesebisyo bilang guro sa ikalimang baitang sa Teach For America, Las Vegas, si Mosca ay nakaranas ng hindi pagkakapantay-pantay sa edukasyon sa kanyang personal at propesyonal na buhay. “I am dedicated to empowering change from the community, for the community to ensure students can play the game to change the game to upend structural inequity and systemic racism. The opportunity to attain a college education is the foundation, though not prerequisite, for underrepresented students to become the diverse leaders of their own communities.”
Noong 2008, nagtapos si Mosca ng Summa Cum Laude mula sa Boston University at lumipat sa Las Vegas para magturo sa ika-limang baytang sa East Las Vegas. Ginawa ni Mosca ang kanyang classroom theme “Leaders in Training” upang bigyang kapangyarihan ang pantay na pagkakataon para sa mga mag-aaral na may kaparehas niyang background. Noong 2012 nang magsimula sa high school ang kanyang mga dating 5th grader, sinimulan ni Mosca ang “Leaders in Training” bilang opisyal na non-profit na organisasyon gamit ang kanyang sariling ipon. Sa ngayon, binibigyang kapangyarihan ng LIT ang mahigit 200 estudyante taun-taon na may 100% na rate ng pagtanggap sa kolehiyo, 81% postsecondary persistence rate kabilang ang 20 na iba't ibang institusyon sa 8 estado mula NYU, University of Michigan hanggang USA at ang lahat ng ating NV na paaralan at 100% ng mga miyembro na nangangakong gamitin ang kanilang edukasyon at tagumpay upang bigyang kapangyarihan ang kanilang komunidad. Ang ilan sa mga dating 5th grader ni Mosca ay mga first-generation college graduate na ngayon ay nagtatrabaho ng full-time sa mga lugar tulad ng PLAN, Teach For America at the United Way of Southern Nevada at isinasabuhay ang pananaw ni Mosca sa pagbabago mula sa komunidad, para sa komunidad. Ang badyet ng LIT noong 2012 ay mas mababa sa $10,000—sa nakalipas na dekada, si Mosca ay nakalikom ng halos $2 milyon para sa mga kabataan at magulang ng East Las Vegas bilang isang BIPOC woman na mula sa low-income background.
Sa kasalukuyan, si Mosca ay naglilingkod sa Equity Cabinet ni US Congressman Steven Horsford, ang NV State Public Charter School Authority na hinirang ng NV State Board of Education at sumusuporta sa pambansang mga hakbangin ng US Air Force Spouse bilang isang enlisted military spouse. Kamakailan, si Mosca ay naglingkod sa Board of Trustees ng college access high school Cristo Ret St. Viator at bilang Academic Committee Chair, Board Chair of college persistence program at housing complex Q3 Student Partners’ Community Advisory Board at naglingkod sa Clark County Community Development Advisory Committee na hinirang ni Commissioner Justin Jones.
Sa unang bahagi ng kanya career, naglingkod si Mosca sa college access chapter school Equipo Academy’s Committee to Form, bilang Chair of the United Way of Southern Nevada’s Women’s United Engagement Committee at bilang Executive Board member ng Asian American Pacific Islander Democratic Caucus na naglilingkod bilang Corresponding Secretary. Nagtrabaho siya para sa Teach For America, TNTP at bilang Special Projects Manager para sa dating Clark County School District Superintendent Dwight Jones bilang ang orihinal na project manager para sa School Performance Framework (SPF).
Ginawaran si Erica ng 2022 NAACP Las Vegas Branch Legacy Builder Award, 2021 Asian Community Development Council InspirAsian Award, 2021 Women Inspiring Nevada recognition mula sa Las Vegas Weekly, 2020 Community Hero Award mula sa Public Education Foundation para sa trabahong ginawa ng LIT sa panahon ng COVID-19 at ang 2019 Boston University Young Alumni Award. Si Erica ay isang proud 2021 Leadership Las Vegas Chamber of Commerce Alum na nagsilbi sa Education Day Chair 2021, Gateway Facilitator 2021 at 2022, Life Journey Group Leader 2022, sa DEI Committee & Education Day Co-Chair, 2017 Emerge NV member, 2011 Education Pioneers Boston cohort member, 2008 Teach For America Las Vegas corps member at may hawak na B.S. mula sa Boston University, M. Ed. Mula sa UNLV at Ed. M. mula sa Harvard;s Graduate School of Education.
Hindi nakakalimutan ang kanyang pinanggalingan, si Mosca ay isang masugid na J-Cole, rompers, Las Vegas at connecting people fan. Siya as ikinasal over zoom sa panahon ng quarantine noong Abril 2020 sa kanyang asawang Nicholas Jared Smith na isang active duty enlisted airment na naglilingkod sa kanyang ika-18 na taon sa United States Air Force na kasalukuyang nakatalaga sa Nellis Air Force Base. Si Erica ay 37 at patuloy na nagmamay-ari ng kanyang bahay 16-houses mula sa kanyang Teach for America placement school kung saan naninirahan ang kanyang ina at ama at araw-araw nakakasalamuha ang mga estudyante and pamilya ng LIT. Sina Erica at Nick ay nakatira kasama ang kanilang asong si Panda bilang proud na residente ng East Las Vegas sa neighborhood ng Winterwood.
Bakit ako tumatakbo bilang kandidato para sa Asembleya
Ako po si Erica Mosca (Siya/Kanya) at tumatakbo ako bilang isang kinatawan para sa ating komunidad ng Nevada Assembly District 14.
Sa aking paglaki nag luluto ng pancit ang akin ama bago siya nagmamadaling lumabas upang magtrabaho sa graveyard shift kasabay ng akin ina. Ngunit hindi na kami sabay sabay kumain ng hupunan, pero sinigurado ng aking mga magulang na may mainit na kanin.
Isang lalaking, ng ibang-bansa sa Estados Unidos sa edad na labing pito natuto ng ingles mula sa palabas na Sesame Street at nakamit ang kaniyang GED. Isang lalaki na nagsusumikap, higit sa sinumang taong kiklala ko - hindi niya kayang bayaran ang ticket sa eroplano kasama ko o magpadala ng pera para maktatulong sa pagsuporta sa akin kolehiyo bilang ako ang ka una unahang miyembro ng aming pamilya na nag kolehiyo.
Itinuro niya sa akin ang kahalagahan ng determinasyon, empatiya at equity. Tumatakbo ako para sa Nevada State Assembly upang masiguro na merong tayong isang taong walang kapaguran at may malasakit sa mga sa Nevadans upang kumita ng disenteng sahod, at magkaroon ng pantay na karapatan sa edukasyon, at may bayad na bakasyon para sa pamilya, at magsisikap na tugunan ang mga problema sa pabahay at klima upang ang Nevada ay patuloy na maging tahanan ng mga susunod na henerasyon.
Dahil sa aking mga magulang ako ay naging isang guro sa ikalimang baitang at sa araw araw na aking pag mamaneho patungong Sahara at Nellis sinisiguro ko na ang mga ama at ina na katulad ng aking mga magulang na makitang matupad ang kanilang pangarap para sa kanilang mga anak. Sampung taon na ang nakalipas ng ako ay nag simula ng non-profit na organisayon na tumutulong sa mga kabataan upang magkaroon ng pagpipilian, tunay na karapatan at oportunidad para sa tinatawag na American Dream.
Ako ay handa na. Ako ay handang maging kinatawan ng aking ama at aking pamilya para sa Nevada state legislature. Salamat sa pagboto para sa akin nitong nakaraang Nobyembre para sa Assembly District 14.
Iyong babaeng kapulungan,
Erica Mosca (Siya/Kanya)